TUGUEGARAO CITY- Ang mahigpit na travel restrictions at home quarantine ang sikreto ng Batanes kaya nananatili itong covid-19 free.

Sinabi ni Ignacio Villa, acting Governor na buhat nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine ay hindi na sila nagpapapasok ng mga turista at maging ng kanilang mga kababayan na galing sa labas ng probinsiya.

Ayon sa kanya, tanging ang mga barko lang ang pinapayagan sa kanilang lugar na lulan ang mga commodities at langis at hindi rin pinapababa ang mga crew.

Vc villa april 24 a

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Villa

Kaugnay nito, sinabi ni Villa na may exit plan na sila sakaling tanggalin na ang ECQ sa Luzon.

Kabilang na dito ang pagpayag na magbukas ang mga establishmento at ilang trabaho dahil hindi nila kakayanin na pakainin ang kanilang mga kababayan kung magtatagal pa ang mahigpit na ECQ.

Idinagdag pa niya na maaaring papasukin na rin ang kanilang mga kababayan na sasailalim sa home quarantine subalit bawal muna ang mga turista.

Sinabi pa ni Villa na higit na naapektuhan ang turismo ng Batanes dahil sa ECQ.

Gayonman, sinabi niya na sinabi sa kanya ng mga manggagawa na apektado sa ECQ lalo na ang mga nasa hotels na handa sila magsakripisyo basta’t hindi makakapasok ang covid-19 virus lalawigan.