Huli ang isang tricycle driver sa Tuguegarao City sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation kagabi, Sept. 23.

Kinilala ng Tuguegarao City Component Police Station ang suspek na si alyas “Melo,” 45 anyos, may asawa, at residente ng Purok 1, Casibang Sur, Cabagan, Isabela.

Dinakip ang suspek matapos na bentahan ng suspek ang isang operatiba na nagpanggap na buyer sa Maharlika Highway, Zone 6, Barangay Pengue Ruyu, Tuguegarao City.

Naging katuwang ng mga pulis ng Tuguegarao sa operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sahcet na pinaghihinalaang naglalaman ng shabu na may timbang na nasa .5 grams.

-- ADVERTISEMENT --

Matapos ang pag-imbentaryo sa mga nakuha na droga at iba pang ebidensiya kabilang ang motorsiklo, dinala ang suspek sa Tuguegarao Component City Police Station (PCP Don Domingo), kung saan isinagawa ang documentation at disposition.