Patay ang driver ng tricycle matapos na madaganan ng Izusu elf na natumba sa national highway sa Maddarulog, Enrile, Cagayan kamakalawa ng umaga.

Sinabi ni PMaj Harold Ocfemia, hepe ng PNP Enrile, sa kanilang imbestigasyon, habang binabaybay ng elf ang nasabing lansangan, bigla nitong kinabig pakaliwa ang manebela matapos na sumigaw ang kanyang kasama ng makita ang isang matanda sa kalsada na inakala ay tatawid.

Natumba ang elf na dumagan sa isang tricycle na sakay ang dalawang katao, kung saan dead on arrival ang driver ng triycle sa ospital dahil sa tama sa kanyang ulo.

Nadamay din ang isa pang sasakyan na nabangga sa harapan at windshield nito.

Nahagip din ang matanda na iniwasan ng driver ng elf na nagtamo ng mga sugat sa kanyang katawan.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na ang elf ay nagde-deliver ng tilapia at galing ito ng bayan ng Baggao at pabalik na sa lalawigan ng Ifugao.