Ilalabas ngayong Biyernes ni dating Senador Antonio Trillanes ang mga impormasyong dapat sana niyang ihayag bilang testigo ng prosekusyon sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Trillanes na magsasagawa siya ng press conference ngayong araw para ilahad ang mga bagay na nais sana niyang iharap at ilabas sa mismong impeachment trial.

Ayon kay Trillanes, siya mismo ang humiling sa House prosecution panel na alisin ang kanyang pangalan sa listahan ng mga testigo.

Sinabi niyang ginawa niya ito para maibsan ang pressure na nararanasan ng prosecution panel.

Nauna nang inanunsyo ni House Lead Prosecutor Gerville Luistro sa impeachment court na hindi na nila ihaharap si Trillanes bilang testigo para sa Article II ng Articles of Impeachment o ang hindi maipaliwanag na yaman ng Bise.

-- ADVERTISEMENT --