Dinala sa Senado ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang umano’y arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon sa ulat, kasama ni Trillanes ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagpunta sa Senado noong Lunes para isilbi ang naturang warrant.

Gayunman, sinabi ni dela Rosa na nagkaroon umano ng tensyon sa pagitan niya at ng mga dumating na awtoridad bago siya nakalabas sa sitwasyon.

Ayon pa sa senador, nagtamo siya ng minor na pinsala sa daliri matapos ang umano’y engkuwentro.

Si dela Rosa, kasama si Senator Christopher “Bong” Go, ay nauna nang naiuugnay sa mga alegasyon ng International Criminal Court kaugnay ng umano’y extrajudicial killings sa ilalim ng war on drugs ng nakaraang administrasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa ICC o sa NBI hinggil sa naturang insidente.