Naghain si dating Senator Antonio Trillanes IV ng reklamong plunder laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterts at Senator Bong Go sa Department of Justice.
Inakusahan ni Trillanes sina Duterte at Go gumawa ng katiwalian partikular ang pagbibigay ng mahigit 100 na government contracts sa mga kumpanya na pagmamay-ari ng ama at kapatid ni Go na nagkakahalaga ng nasa P6.6 billion.
Bukod sa plunder, inakusahan din sina Duterte at Go ng paglabag sa Republic Act No. 3019 o ang The Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at Republic Act No. 6713 o The Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Batay sa reklamo ni Trillanes, nakatanggap umano ang mga kumpanya ng ama at kapatid na lalaki ni Go ng kabuuang nasa P6.6 billion na halaga ng mga kontrata sa kabila ng kakulangan ng kailangan na lisensiya ng contractor para sa malalaking mga proyekto noong 2007 hanggang 2018.