TUGUEGARAO CITY – Patuloy na tinutugis ng militar at pulisya ang mga pinaniniwalaang kasapi ng New Peoples Army (NPA) na responsable sa pananambang sa sampung miyembro ng 30th Marine Company sa bayan ng Gattaran, Cagayan.

Ayon kay Lieutenant Col. Fidel Macatangay, commanding officer ng Marine Battalion Landing Team 10 na papunta sa bayan ng Baggao ang grupo ni Lt. Gerwin Valencia nang paputukan sila ng hindi pa matukoy na bilang ng mga rebeldeng grupo sa Barangay Naddungan.

Galing sa kampo ng MBLT-10 sa Sitio Burubur, Barangay Magapit Lal-lo, ang tropa nang maganap ang insidente.

Agad tumakas ang mga rebelde nang gumanti nang putok ang mga sundalo.

Wala namang naitalang casualty o nasugatan sa nasabing ambush.

-- ADVERTISEMENT --