Halos hindi kumikilos ang Tropical Depression “Julian” batay sa huling update ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Nananatili si Julian sa ibabaw ng karagatan ng kanlurang bahagi ng Batanes.

Ang sentro ng bagyo ay naitala sa 525 km East ng Itbayat, Batanes.

Taglay ng bagyo ang maximum sustained winds na 55 km/h malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 70 km/h.

Posibleng itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Cagayan Valley anumang oras ngayong araw na ito.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi rin inaalis ang posibilidad na itaas ang Signal No. 2 hanggang Signal No. 3.

Ayon sa Pagasa, patuloy ang paglakas ni Julian at posibleng umabot sa tropical storm category mamayang gabi o bukas ng umaga.