Isang truck na may kargang palay ang tumagilid sa Tana-Annabuculan Overflow Bridge sa Amulung nitong Lunes, December 1, 2025, matapos masiraan ang gulong ng sasakyan.

Ayon kay Efren Battung, Head ng MDRRMO Amulung, alas-12 ng madaling araw nang mangyari ang insidente.

Wala pang baha sa tulay nang tumawid ang truck.

Lulan nito ang driver at pahinante na galing sa Isabela upang magbenta ng palay, kasama rin ang kargang palay na hindi pa nabebenta.

Plano sana ng truck na dumaan sa Buntun Bridge, ngunit dahil sa load limit ng tulay, napilitan silang umikot patungong Tana Overflow Bridge.

-- ADVERTISEMENT --

Sinubukan pang itayo ang tumagilid na sasakyan, ngunit nahirapan ang mga responders dahil sa malakas na ulan. Sa huli, tinali na lamang ang truck upang hindi ito matangay ng rumaragasang tubig.

Ayon sa MDRRMO Amulung, karaniwan nang nababaha ang Tana-Annabuculan Overflow Bridge kapag umaabot sa 7 metro ang lebel ng tubig sa Buntun Bridge.