Inilunsad ng administrasyon ni US President Donald Trump ang kampanya upang higit pang ihiwalay ang International Criminal Court (ICC), kasabay ng paninindigang hindi nito kinikilala ang kapangyarihan ng hukuman na imbestigahan o usigin ang mga mamamayan at opisyal ng Estados Unidos.

Ayon kay US Secretary of State Marco Rubio, nagsusulong ang administrasyon ng iba’t ibang hakbang laban sa ICC, kabilang ang travel bans, visa revocations, karagdagang sanctions laban sa mga opisyal ng korte, at diplomasiyang hihikayat sa ibang bansa na umatras sa pagiging kasapi ng ICC.

Iginiit ni Rubio na hindi papayagan ng Estados Unidos na magamit ang ICC laban sa mga sundalong Amerikano at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng komento ang ICC kaugnay sa hakbang ng administrasyong Trump.

Matatandaang matagal nang tinututulan ng Estados Unidos ang hurisdiksyon ng ICC at hindi ito naging kasapi ng nasabing internasyonal na hukuman.

-- ADVERTISEMENT --