Inaasahan na pakikilusin ni Donald Trump ang mga ahensiya sa US government para tulungan siya na i-deport ang maraming naitalang immigrants.
Ayon sa ilang opisyal at kaalyado ni Trump, inaabangan na nila ang pagtawag ni Republican president-elect sa lahat mula sa US military sa diplomats sa ibang bansa para tulungan siya na maipatupad ang kanyang pangako noong panahon ng kampanya na mass deportation.
Ang pagsisikap ay kinabibilangan ng kooperasyon sa Republican-led states at paggamit ng federal funding at pagkilos laban sa resistant jurisdictions.
Muling nabawi ni Trump ang White House sa kanyang pangako na malawakang immigration crackdown.
Ang sentro ng kanyang reelection bid ay ang kanyang pangako na deportation ng maraming immigrants, na tinaya ng kanyang running mate na si JD Vance na aabot sa isang milyon ang ipapa-deport bawat taon.
Nagbabala naman ang immigrant advocates na kailangan ng malaking pondo, magreresulta ng pagkakahati-hati at hindi makatao ang deportation efforts ni Trump.
Mangangailangan anila ang deportation na target ang milyong-milyong immigrants ng mas maraming officers, detention bed at immigration court judges.
Tinaya ng American Immigration Council, isang immigrant advocacy group na aabot sa $968 billion ang halaga ng pagpapa-deport sa 13 million immigrants sa mahigit isang dekada.