Nakatakdang ilabas ni Judge Juan Merchan ang sentensiya ni dating US President Donald Trump sa July 11, 2024.

Ito ay matapos na napatunayan ng korte sa New York na nagkasala si dating Trump sa lahat ng 34 counts ng pamemeke ng kaniyang business records.

Maaaring sentensiyahan ni Merchan si Trump ng probation o hanggang apat na taon sa bawat bilang ng kaso sa state prison, na may maximum na 20 years.

Sa ngayon ay nakakalaya pa si Trump habang hinihintay niya ang paglalabas ng kanyang parusa.

Hindi na pinayagan si Trump na maglagak ng bond.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ng isang law professor sa Los Angeles na si Richard Lasen, isa sa nangungunang experts sa election law na walang nakasaad sa US Constitution na nagbabawal sa isang convicted criminal na tumakbo sa pagkapangulo ng US.

Sinabi ni Hasen na ito ay nangangulugan na walang pagbabago sa estado ni Trump bilang isang kandidato.

Idinagdag pa ni Hasen na may limitadong kuwalipikasyon sa konstitusyon para sa pagtakbo bilang presidente, at ito ay kailangan na 35 years old, natural born citizen, at 14 years na residente ng US.