Nagtalumpati si President-elect Donald Trump sa kanyang mga tagasuporta ilang oras bago ang kanyang inagurasyon, kung saan ay binanggit niya ang tungkol sa TikTok, ang Israel-Hamas ceasefire deal, Loas Angeles wildfires at ang mga plano executive oerders.
Sinabi ni Trump na bumalik na ang TikTok matapos na mawala ang app sa US kahapon.
Ayon kay Trump, wala silang choice kundi ibalik at iligtas ang TikTok kasunod ng kanyang pangako kahapon na maglalabas siya ng executive order.
Ipinagdiwang din ni Trump ang ceasefire deal kamakailan sa pagitan ng Israel at Hamas para sa pansamantalang pagtigil ng labanan para bigyang-daan ang pagpapalaya sa mga bihag.
Sinabi niya na nakamit nila ang epic ceasfire bilang unang hakbang para sa pangmatagalan na kapayapaan sa Middle East.
Ayon sa kanya, hindi mangyayari ang nasabing kasunduan kung hindi siya nanalo sa eleksion noong buwan ng Nobyembre ng 2024.
Kasabay nito, sinabi ni Trump na ipinaparating niya ang kanyang pagmamahal sa mga apektado ng wildfires na nagdulot ng matinding pinsala sa Los Angeles at nangako siya na bibisitahin niya ang California sa Biyernes.
Nangako si Trump na maglalabas ng maraming executive orders – mahigit 100 sa loob lamang ng isang linggo ng kanyang panunungkulan, kabilang ang mga hakbang para sa US energy production, paghihigpit sa border security, iba’t ibang regulasyon at iba pang policy priorities.
Binigyang – diin ni Trump ang kanyang plano para sa agresibong pagsusulong ng executive actions sa unang araw ng kanyang panunungkulan, sa pagsasabing ang lahat ng radical at walang kabuluhan na executive orders ng Biden administration ay rerepasuhin sa loob ng ilang oras sa sandaling maupo na siya sa White House.