Pinatawad ni US President Donald Trump ang nasa 1,500 katao na umatake sa US Capitol noong January 6, 2021, bilang pagpapakita ng suporta sa mga tao na umatake sa mga pulis nang pigilan ang mga mambabatas na sertipikahan ang kanyang pagkatalo sa halalan noong 2020.
Sinabi ni Trump na agad na palalayain ang mga ito.
Ayon sa kanya, ang anim sa defendants ay binawasan ang kanilang sentensiya.
Ito ay pagpatupad sa pangako ng Republican na tulungan ang mga supporters na kinasuhan at marami ang nakulong dahil sa mga krimen na nangyari sa panahon ng riot.
Matatandaan na libu-libong katao ang pumunta sa Capitol noong 2021 kasunod ng talumpati ni Trump, kung saan sinira nila ang mga barikada at nakipagpambuno sa mga pulis.
Iginiit ni Trump na marami sa halos 1,600 katao na kinasuhan sa riot ay hindi nakatanggap ng patas na pagtrato sa ilalim ng legal system at tinawag ang mga ito sa kanyang inaugural address na “hostages.”
Ayon kay Trump, palalayain ang mga nasabing “hostages” dahil sa wala naman umano silang ginawang mali.
Tinatawag ni Trump na hostages ang mga sangkot sa nasabing riot sa kabila na dumaan ang kanilang mga kaso sa normal na criminal process at marami ang umamin o napatunayan na nagkasala ng criminal offenses.