Pormal ng nanumpa bilang ika-47 pangulo ng US si Donald Trump.
Pinangunahan ni Chief Justice John Roberts ang panunumpa ni Trump sa loob ng Capitol Rotunda.
Bukod sa Abraham Lincoln bible para sa panunumpa ay ginamit ni Trump ang kaniyang personal na bibliya.
Ang nasabing bibliya ay siyang ginamit niya rin sa unang termino niya bilang pangulo noong 2017.
Matapos ang panunumpa ay nagpaputok ng canyon ang US military bilang tradisyon sa pagpupugay nila.
Isinagawa sa loob ng Capitol Rotunda ang panunumpa ngayon dahil sa labis na lamig ng panahon sa labas.
Huling isinagawa ang indoor na panunumpa ay noong panahon ni dating US President Ronald Reagan noong 1981.
Bago ang panunumpa ni Trump ay nanumpa na rin bilang kaniyang bise presidente si JD Vance na pinangunahan ni Supreme Court Justice Brett Kavanaugh.
Dumalo sa nasabing panunumpa ang mga napiling bubuo ng kaniyang gabinete ganun din ang mga dating pangulo ng US at kanilang mga asawa.
Sa kanyang inaugural speech, sinabi ni Trump na ngayon na ang golden age ng amerika, kung saan sinabi niya na magsisilbi siyang peacemaker at unifier.
sinabi pa niya na agad na ipapatigil ang illegal entry , at sisimulan ang proseso ng pagpapabalik sa milyon g milyong criminal aliens sa kanilang mga pinanggalingang lugar.
Ilang oras pagkatapos ng inagurasyon, inihayag ng mga US border authorities na isinara na nila ang Biden program na nagpapagintulot sa libu-libong migrants na pumasok ng illegal sa US sa pamamagitan ng pag-schedule sa app.