Bumaba ang approval at trust ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng pagbibigay-solusyon ng pamahalaan sa isyu ng mataas na presyo ng mga bilihin, kahirapan at unemployment.
Sa resulta ng survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, bumaba ng 2 percentage points sa 48 percent noong Nobyembre ang approval rating ni Marcos mula sa 50% noong Setyembre.
Sa survey, tinukoy ang mga isyu na may low approval ratings ay ang pagpapababa sa kahirapan (13 percent), paglaban sa graft and corruption (16 percent), pagpapataas ng sahod (19 percent), pagtugon sa involuntary hunger (20 percent), at paglikha ng trabaho (23 percent).
Samantala, bumaba rin ng 3 percentage points ang trust rating ni Marcos sa 47 percent mula sa 50 percent.
Bumaba sa tatlong major geographical groupings ang approval rating ng Pangulo maliban sa Luzon kung saan bumuti ito mula 61% ay naging 65 percent.
Ang may pinakamalaking pagbaba ay sa Mindanao na mula 26 percent ay naging 14 percent, habang ang Visayas ay 48 mula sa 52.
Isang percentage points lamang ang ibinaba sa National Capital Region, sa 51.
Sa socioeconomic classes, bumaba ang approval rating ni Marcos sa Class E respondents sa 35 percent mula sa 47 percent, at bumuti naman ng 4 percentage points sa Class ABC, sa 39 percent mula sa 35 percent.