Bumaba ang trust rating nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ang survey na kinomisyon at isinapubliko ng think tank Statbase, ay isinagawa ng SWS sa 1,200 adult respondents mula September 24 hanggang 30.

Nakapagtala si Marcos ng trust rating na 43 percent, habang 36 percent ng respondents ang nagsabi na mayroon silang maliit na tiwala sa kanya, at 21 percent ang “undecided.”

Ito ay bahagyang mababa mula sa 48 percent noong June 2025.

Sa ibang banda, ang trust rating ni Duterte ay 53 percent, habang 28 percent ng respondents ang may maliit na tiwala sa kanya, at 18 percent ang undecided.

-- ADVERTISEMENT --

Ang kanyang trust rating noong Hunyo ay 61 percent.