Tuguegarao City- Huli sa ikinasang entrapment operation ang isang trusted classifier ng isang rice trading center matapos kikilan ang kanilang mga customer mga costumer sa Brgy. Maddarulug, Solana, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Dimetreo Billig, 43 anyos at residente ng Cullong, Tuao East, Cagayan.

Ayon kay PCAPT JhunJhun Balisi, hepe ng PNP Gonzaga at concurrent team leader ng Regional special operations group at regional drug enforcement unit, matagal na umano nilang minamanmanan ang suspek.

Marami aniyang nagrereklamo sa ginagawang pangingikil nito sa mga magsasaka at trucking na nagbebenta ng produktong palay sa kanilang tanggapan.

Dahil dito ay naglunsad ng operasyon ang pulisya kung saan kinikilan nito ang mga nagpanggap na operatiba.

-- ADVERTISEMENT --

Kapalit ng P5k na ginamit na marked money ay itataas umano nito ang klase ng ibinebentang palay ng mga nagpanggap na costumer upang mabili sa mataas na presyo.

Nang kapkapan ay nakuhanan din umano si Billig ng pinaniniwalaang shabu.