Kinansela na ng U.S. National Tsunami Warning Center ang nauna nitong inilabas na tsunami advisory para sa Puerto Rico at U.S. Virgin Islands kasunod ng magnitude 7.6 na lindol na yumanig sa Caribbean Sea noong Sabado ng gabi oras sa Amerika.
Sa layong 130 miles o 209 kilometro mula sa baybayin ng Cayman Islands natagpuan ang sentro nito, na nagresulta ng paglabas ng mga babala sa posibleng tsunami.
Sinabi naman ng US Geological Survey, na ang lindol ay tumama sa ”shallow depth” ng karagatan.