Rumagasa ang tubig mula sa bundok papunta sa mga kabahayan sa Sitio Marus, Hacienda Intal sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Ito ay dahil sa tuloy-tuloy na naranasang malalakas na buhos ulan na dulot ng sunod-sunod na pananalasa ng bagyo.

Kaugnay nito, sa monitoring ng PNP Baggao, umabot sa 929 families o 2,655 individuals ang lumikas sa evacuation centers dahil sa mga pagbaha.

Ayon pa sa PNP Baggao, dahil din sa patuloy na pagtaas ng tubig sa ilog ay hindi na madaanan ang 15 na tulay sa na kinabibilangan ng sumusunod:
Isidro-Taytay Bridge
Bagunot Bridge
Mosimoc Bitag Pequeno Bridge
Dabbac-Asinga Via Bridge
Mocag Bridge
Taguing Bridge
Taguntungan Bridge
Annayatan-Santor Bridge
Hacienda-Asinga Via Bridge
Ibulo Bridge
Ibulo-Bagunot Bridge
Camata Tallang Bridge
C. Verzosa Bridge
Awallan Zone 2 Bridge
Zone 5 Tallang Bridge

Hindi na rin madaanan ng mga sasakyan ang kalsada sa Betag Grande.

-- ADVERTISEMENT --

Hanggang ngayon ay wala pa ring suplay ng kuryente ang mga sumusunod na lugar:

San Isidro
Nangalinan
Barsat
Dalla
Tallang
Remus
Agaman Norte
Agaman Sur
Agaman Proper
C.Verzosa
Alba
Taguntungan

Nakakaranas ngayon ng pagbaha ang apat na barangay ng Zone 1 at 2 sa Tallang, Zone 1, 2, 3, 6, at 7 sa Taguntungan, Zone 4 sa Bitag Grande, at Zone 1 sa San Jose.

Ayon pa sa PNP Baggao, nagsasagawa na ng clearing operation sa landslide sa Betag Grande.