TUGUEGARAO CITY – Hindi umano inasahan ni Helbert Paat ng Lallo, Cagayan na magtatapos siya bilang Summa Cum Laude sa kursong Bachelor of Applied Mathematics major in Actuarial Science sa University of the Philippines-Los Baños.

Inamin ni Paat na pinangarap niya na makuha ang nasabing award subalit hindi niya inasahan na makakamit niya ito.

Ayon sa kanya,ang kanyang naging puhunan ay ang pagmamahal sa kurso, sipag, tiyaga at pananampalataya sa Panginoon para makuha ang nasabing achievement.

tinig ni Paat

Sinabi pa ni Paat na hindi naging hadlang sa kanyang pag-aaral na malayo siya sa kanyang pamilya at mga naranasang pressure tulad na lamang ng kung minsan ay nakakakuha ng mababang score sa ilang pagsusulit.

Kasabay nito, sinabi ni Paat na plano niyang magtrabaho sa insurance industry o kumuha ng masters degree para magturo sa UP.

-- ADVERTISEMENT --
muli si Paat

Ang Bachelor of Science in Applied Mathematics major in Actuarial Science ay ang disiplina na gumagamit ng mathematical at statistical methods para i-assess ang risk sa insurance, finance at ibang industriya at professions.

Si Paat ay nagtapos na validictorian sa elementarya at sekondarya sa Lallo, Cagayan at scholar siya ng Department of Science and Technology.