TUGUEGARAO CITY- Balik na sa modified general community quarantine o MGCQ ang Tuguegarao City mula sa modified enhanced community quarantine.

Ito ang inanunsiyo ni Mayor Jefferson Soriano sa Bombo Radyo.

Sinabi ni Soriano na epektibo ang MGCQ mamayang 12:01 ng hatinggabi.

Gayonman, sinabi ni Soriano na hindi ito nangangahulugan na babalik sa normal ang lahat ng aktibidad sa lungsod.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, kailangan pa rin na sundin ang mga safety at health protocols sa ilalim ng MGCQ.

Kabilang na dito ang mga sumusunod:

-public transport -open tricycle -50%

-social gathering – maximum of 25 persons

-talipapa -Friday, Saturday and Sunday

-satellite market and dapon sa barangay -tuluy-tuloy

-curfew hour: 11pm-4:00am

-restaurant (dine-in ) at least 75 percent

-liquor ban -lifted

-covid-19 shield hindi na kailangan

-burol ng namatay na kaanak -maximun of 3-days (mga malalapit na kamag-anak lamang ang dapat dadalo sa lamay)

-Tuguegarao City Airport -ikinocinsider na buksan para sa commercial flight

Kasabay nito, umaapela si Soriano na sumunod sa mga nasabing protocols upang maiwasan ang pagdami ulit ng mga mahahawaan o makahawa ng covid-19 at hindi na bumalik sa MECQ.

Sinabi niya na matapos na ipatupad ang MECQ mula August 25 ay napababa ang kaso ng covid-19 sa lungsod.

Ayon sa kanya, dalawa na lang ang pinakahuling nadagdag na mula sa Pallua Sur at ang manukurista sa Ugac Sur.