Planong magkaroon ng regulasyon sa pagpasok ng mga foreign nationals at pagkakaroon ng dagdag sa panuntunan sa mga boarding houses dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Ilan ito sa mga napag usapan sa isinagawang imbestigasyon in aid of legislation ng committee of the whole ng konseho kaugnay sa presensya ng mga foreign nationals dito sa lungsod.

Ayon kay Councilor Claire Callangan, ang regulasyon sa pagpasok ng mga foreign nationals ay para mamonitor ang pagdagsa ng mga ito sa lungsod.

Sinabi ni Callangan na kailangan din na magdagdag ng panuntunan sa mga boarding houses, upang maprotektahan rin ang mga bisita o foreign nationals na pumupunta dito sa lungsad para maiwasan silang maloko.

Pagkakaroon ng barangay update gaya ng pagkuha ng datos upang mas mamonitor kung ilan ang residente at ilan ang pumapasok na foreign nationals sa kanilang mga barangay.

-- ADVERTISEMENT --

Inimbitahan sa plenaryo ang Department of foreign Affairs o DFA Region 2, Commission on Higher Education (CHED) Region 2, PNP Tuguegarao, tanggapan ng local chief executive at iba’t ibang unibersidad.

Hindi naman nakadalo ang DFA pero may ibinigay na sulat na nakasaad na ang kanilang focus ay ang pagproseso sa mga pasaporte habang sinabi naman ng CHED sa kanila ring sulat na dadalo sila sa congresional hearing kaugnay sa nasabing usapin,

Dumalo naman ang city legal office bilang kinatawan ng tanggapan ng local chief executive habang ang university of University of Sanit Louis lamang ang tumugon sa mga unibersidad na inimbitahan.