TUGUEGARAO CITY- Muling nahalal bilang pangulo ng Philippine Councilors League o PCL si Tuguegarao City Councilor Maila Ting Que.
Naging katunggali ni Que sa nasabing posisyon si Jayella Dayag, councilor ng Aparri.
Nakakuha ng 150 votes si Que habang 133 naman si Dayag.
Ayon kay Que, 284 ang dumalo sa nasabing eleksion mula sa 295 na mga miembro ng PCL- Cagayan.
Kaugnay nito, sinabi ni Que na ang isa sa isusulong niya bilang PCL president ay ang mabigyan ang mga konsehal ng kapangyarihan na mag-endorso ng scholars at ang pangalawa ay ang ang pagbibigay ng ayuda sa mga konsehal at iba pang government employees na gustong mag-aral.
Kasabay nito, sinabi ni Que na isa sa kanyang ipinagmamalaki na accomplishment bilang PCL president ay ang pagkakaroon ng kauna-unahang government internship program sa pamamagitan ng pakikipag-tie -up kay dating Congressman Randy Ting at Department of Labor and Employment.
Bukod dito, nagkaroon din sila ng Integrity, Transparency, and Accountability in Public Service Seminar na pinangunahan mismo ng Office of the Ombudsman.
Ayon sa kanya, isang taon din nila itong trinabaho bago sila nabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng seminar upang ipakita na seryoso sila sa kanilang trabaho.
Samantala, napili naman bilang vice president si Bing Bing Herrero at Secretary General si Plong Vargas Esquillo