Tuguegarao City- Nagsimula ng magsagawa ng disinfection ang Local Government Unit (LGU) Tuguegarao sa mga paaralan at mga pampublikong lugar sa lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Romeo Calubaquib, City Administrator, ito ay bahagi ng hakbang ng City Government upang makontrol ang paglaganap ng COVID-19 sa lungsod ng Tuguegarao.

Aniya, katuwang nila ang tanggapan ng Bureau of Fire Protection (BFP)upang isagawa ang disinfection sa mga naturang lugar.

Inihayag pa nito na kabilang sa mga idi-disinfect ay ang Don Domingo Public Market, Tuguegarao City Commercial Center at mga pangunahing lansangan sa lungsod.

Samantala, tiniyak naman nito na gagawin ng lokal na pamahalaan ng Tuguegarao ang lahat upang maging ligtas ang publiko sa banta ng naturang sakit.

-- ADVERTISEMENT --