TUGUEGARAO CITY-Pansamantalang isinara sa publiko ang Tuguegarao City Hall matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)ang ilan sa mga kawani.
Base sa direktiba mula sa tanggapan ni Mayor Jefferson Soriano, magtatagal ng anim na araw ang pagsasara sa city hall na nagsimula ngayong araw, Disyembre 3 hanggang 8 ngayong taon.
Ang kautusan ay naglalayong makapagsagawa ng disinfection activity bilang pag-iingat na rin sa iba pang empleyado ng naturang tanggapan laban sa virus.
Matatandaan, batay sa isinagawang tatlong araw na aggressive community testing ng Department of Health, ilan sa mga nagpositibo ay mga kawani ng City Hall.
Sa ngayon, mayroon ng 89 na aktibong kaso ng covid-19 ang lungsod kung saan 27 ang naitala ngayong araw at apat dito ay empleyado ng naturang tanggapan.