Nagsagawa ang city health office ng misting operation laban sa dengue sa iba’t ibang paaralan sa lungsod ng Tuguegarao.
Ayon kay Dr. Gilbert Allen Mateo ng CHO, kabilang sa mga paaralan na isinagawa ang misting o ang pag-spray ng disinfectant ay sa Carig Norte Elementary School, Carig Integrated School, Pengue Elementary School, Tuguegarao Northeast Central Integrated School, Tuguegarao East Central School, Tuguegarao West Central School, at Tuguegarao North Central School.
Ginawa ito matapos ang isinagawang pagpupulong ng Local Health Board at Local School Board, kung saan tinalakay ang mga estratehiya upang labanan ang dengue sa lungsod.
Iminungkahi ni City Mayor Maila Rosario Ting-Que ang mas mahigpit na pagpapatupad ng 4 o’clock habit hindi lamang sa mga paaralan kundi pati na rin sa mga barangay ng Tuguegarao.