TUGUEGARAO CITY- Isasailalim sa Enhanced Community Quarantine o Modified Enhanced Community Quarantine ang lungsod ng Tuguegarao City ngayong linggo.
Sinabi ni Mayor Jefferson Soriano na ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng covid-19.
Ayon sa kanya, umaabot na sa 246 ang kaso ng virus sa lungsod batay sa pinakahuling datos kahapon kung saan ito ay dahil sa local transmission o sa mga bahay-bahay at sa mga opisina.
Sinabi ni Soriano na ipapadala nila ngayong araw na ito ang kanilang kahilingan para sa nasabing hakbang kay Governor Manuel Mamba na wala namang duda na agad niya itong aaprubahan.
Kasunod nito ay ipapadala ito sa Regional Inter-Agency Task Force para sa kanilang concurrence.
Sinabi ni Soriano na ang kanilang unang option ay ECQ sa loob ng 10 araw o MECQ sa loob ng 14 na araw at posibleng ipatupad ito sa Mierkules.
Dahil dito, muling umaapela si Soriano na sa mga mamamayan na sumunod sa minimum health standard protocols.
Binigyan diin niya na marami ng nahuli na mga pasway na mga residente na hindi nagsusuot ng face mask at face shield at may iba naman na hindi tama ang paggamit sa mga nasabing bagay.