Makararanas ang 19 lugar sa bansa ng ”danger level” heat index ngayong Miyerkules.

Kabilang sa tinatayang makakapagtala ng mataas na ang heat index ang Tuguegarao City sa 44 degrees celcius at Sangley Point, Cavite City.

43 degrees celcius naman sa Dagupan City, Pangasinan, ISU Echague, Isabela, San Ildefonso, Bulacan, TAU Camiling, Tarlac, Alabat, Quezon, at Cuyo, Palawan habang 42 degrees celcius sa NAIA, Pasay City, Science Garden, Quezon City, Bacnotan, La Union, Aparri, Cagayan, Baler (Radar), Aurora, Iba, Zambales, Hacienda Luisita, Tarlac City, NAS-UPLB, Los Baños, Laguna, Coron, Palawan, San Jose, Occidental Mindoro, at Zamboanga City, Zamboanga Del Sur.

Tinatayang makapagtatala naman ang BSU, La Trinidad, Benguet ng pinakamababang heat index na 23 degrees celcius ngayong Miyerkules.

Patuloy ang paghimok sa publiko na limitahan ang outdoor activities, manatiling hydrated, at magsuot ng maaliwalas na kasuotan upang maiwasan ang heat-related illnesses.

-- ADVERTISEMENT --