Nagsumite na ng kanyang Certificate of Candidacy sa Commision on Elections si Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano na muling tatakbo sa pagka-alkalde ng lungsod.
Bagamat patapos na ang huling termino ni Mayor Soriano, sinabi niya na maaari pa siyang tumakbo sa parehong posisyon sapagkat hindi naman nabuo ang anim na taon niyang panunungkulan dahil sa mga suspensyon na ipinataw sa kanya, noong una at ikalawang termino nito.
Ayon sa alkalde, target niya ang pagkakaroon ng digital na transaksyon sa pamahalaang panlungsod para sa ibat-ibang serbisyo nito upang matiyak na walang manyayaring korapsyon.
Kasama ng alkalde ang kanyang line-up, kabilang ang anak niyang si Charo Soriano na naghain din ng kanyang kandidatura para City Councilor sa ilalim ng National Peoples Coalition (NPC).
Muli rin tatakbo para sa kanyang huling termino si incumbent Vice Mayor Bienvenido De Guzman; gayundin si dating City Councilor Jude Bayona para sa pagka-konsehal at si City Councilor Calixto Melad na humalili sa binakanteng pwesto ng yumaong Councilor Victor Perez.
Muli namang susubok sa pagka-konsehal matapos hindi palarin noong dalawang nakaraang eleksyon si Elmer Maribbay ng National Unity Party para umano maisulong ang problema sa kalikasan at pagbibigay ng social services sa mga nasa laylayan.
Naghain din ng kanyang kandidatura bilang city councilor ang Brgy kagawad ng Ugac Norte na si Tirso Mangada kung saan pagututunan umano niya ng pansin ang health care system ng lungsod, mga PWds at ang TODA.