Pinaalalahanan ni Tuguegarao City Mayor Maila Ting-Que ang publiko kaugnay kumakalat na pekeng pera.
Ayon sa alkalde, dapat na busisiing mabuti ang hinahawakang pera upang hindi mabiktima sa modus ng mga nagpapakalat nito.
Binigyang diin nito na dapat maging mapanuri upang maiwasang mabiktima lalo na ngayong holidays season na inaasahang paglipana ng mga pekeng pera.
Sa pahayag ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP), kalimitan sa mga pinepekeng pera ay P500 at P1,000 kung kaya dapat na maging mapanuri tuwing tatanggap ng bayad o kukuha ng sukli.
Paalala ng BSP, magaspang ang pagkakasulat ng imprenta sa orihinal na pera habang sa pekeng pera ay flat prints lang at hindi malinaw ang pagkakasulat.
Suriin ding mabuti ang serial numbers na daapat ay may one or two prefix letters at six or seven digits na nakalinya nang maayos, malinaw ang pagkakasulat at asymmetric or increasing size ang arrangement nito.
Inirerekomenda rin nila ang paggamit ng money detector device na may UV light para makatiyak kung saan ay blue at red fibers ang orihinal na pera.
Kung walang money detector device, suriing mabuti dahil may shadow image sa bandang kanan ang totoong pera habang walang ganito sa mga peke.
Ilan pa sa mga palatandaan na orihinal ang hawak na pera ay kung may salitang Filipino na nakasulat sa Baybayin alphabet na makikita sa lahat ng peso bills.
Kapag ni-rotate ang pera ng 45 degrees at kung pinatagilid sa pababang direksyon ay makikita ang concealed denominational value nito. ang peke, wala nito.
Dapat din umanong tandaan ang kulay ng bawat peso denomination tulad ng P1,000pesos na kulay Blue; P500– Yellow; P200 Green; P100–Mauve; P50-Red; at P20 Orange.