Tuguegarao City MAyor Jefferson Soriano

TUGUEGARAO CITY-Pinayuhan ni Mayor Jefferson Soriano ang mga nagtutungo dito sa lungsod ng Tuguegarao na galing sa ibang bayan sa lalawigan ng Cagayan at probinsiya na ipa-authenticate ang photocopy ng kanilang travel pass.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Mayor Soriano na kukuha ng travel pass sa LGU of origin ang mga magtutungo dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Ipa-authenticate ang photo copy nito sa kanilang munisipyo na siyang iiwan sa mga checkpoints.

Ayon kay Mayor Soriano na ang ORIGINAL na hawak na kopya ay ang magsisilbing pass sa pagpasok sa mga establishimento sa lungsod.

Ang TRAVEL PASS ay isang dokumento na kailangang i-presenta sa check-point tuwing lalabas o papasok ng Tuguegarao.

-- ADVERTISEMENT --

Ito rin ay kapalit ng visitors’ pass na unang ipinatupad ng pamahalaang panlungsod ng tuguegarao

Para sa mga residente ng Tuguegarao na nais lumabas ng lungsod, ito ay makukuha lamang sa Office of the City Mayor kasama ng health declaration form at valid ID.

Sa mga residente naman ng Solana, Iguig, at Penablanca ay hindi na kailangan ng travel pass ngunit kailangang magpakita ng VALID ID na magpapatunay na residente ng nasabing bayan kung saan simula itong ipatupad sa araw ng Lunes October 19,2020.

Samantala, umiiral pa rin ang implementasyon ng covid shield control pass hanggang sa December 31,2020 para malimitahan ang galaw ng mga mamamayan bilang pag-iingat pa rin sa banta ng covid 19 pandemic.