TUGUEGARAO CITY-Umapela si Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano na iwasan ang salo-salo o handaan kasabay ng nalalapit na pagdiriwang ng kapistahan ng lungsod.
Ito ay para maiwasan ang mass gathering bilang pag-iingat sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (covid-19).
Humingi rin ng pang-unawa ang alkalde sa publiko dahil wala munang mga aktibidad kaugnay sa kapistahan dahil sa banta ng virus.
Makiisa na lamang aniya sa isasagawang misa sa araw ng Linggo, Agosto 16, 2020 bilang pasasalamat sa kapistahan ng Tuguegarao City.
Gayonpaman, may mga inihandang presentasyon ukol sa kultura at tradisyon ng mga Ybanag na mapapanood sa facebook page ng pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao.
-- ADVERTISEMENT --