Tuguegarao Mayor Jefferson Soriano steps down from office. Photo by Raymon Dullana/Rappler

Tuguegarao City– Nilinaw ni Bienvenido De Guzman, acting Mayor ng Tuguegarao City na mali ang haka-haka ng ilan na naka-quarantine ngayon si Mayor Jefferson Soriano dahil sa covid-19 matapos na magpositibo sa virus ang isa nilang kasambahay.

Sinabi ni De Guzman na nakabakasyon sa Manila si Soriano dahil anim na buwan na rin niyang hindi nakita at nakasama ang kanyang pamilya.

Samantala, nagbabala si De Guzman sa mga pasaway na mga residente sa mga lugar na isinailalim sa total lockdown at zoning containment strategy.

Binalaan din niya ang mga vendors at mga nagtatrabaho sa mga spa na kaugnay sa pagsusuot ng facs mask at face shield.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyan diin ni De Guzman na kailangang sumunod sa mga safety at health protocols laban sa covid-19 upang hindi na bumalik sa enhanced community quarantine o modified enhanced community quarantine.