Nanawagan si Tuguegarao City Mayor Maila Ting-Que sa kanyang naka-closed contact na makipag-ugnayan sa City Health Office makaraang lumabas ang resulta na positibo siya sa COVID-19.
Aniya, natuklasang nagpositibo sa virus ang alkalde matapos lumabas ang resulta ng kanyang pagsusuri nitong Linggo, Hulyo 31.
Posibleng aniya itong nahawa ng virus dahil sa hindi maiiwasang exposure kasunod ng tungkulin bilang isang public servant.
Humingi rin ng paumanhin si Ting-Que sa mga nakasalamuha nito at hinimok na sumailalim sa self-isolation at covid testing.
Maayos naman ang kanyang kalagayan at kasalukuyang nagpapagaling.
Tiniyak din ng alkalde na nasa normal ang operasyon ng city hall at patuloy na magtatrabaho habang naka-isolate.
Kaugnay nito, nanawagan naman ang city health office na sumunod pa rin sa ipinaiiral na health and safety protocols.