TUGUEGARAO CITY- Iprinoklama na bilang panalong mayor ng Tuguegarao City si Councilor at Ex-Officio Board Member Maila Ting Que.

Nakakuha si Que ng botong 39, 919 habang ang kanyang naging mahigpit na katunggali na si Mayor Jefferson Soriano ay may botong 37, 552.

Kaugnay nito, una ng nag-concede si Soriano sa kanyang mensahe, pinasalamatan niya ang mga mamamayan ng Tuguegarao sa kanilang suporta at kooperasyon sa panahong nagsilbi siyang mayor.

Sinabi niya na isang karangalan na naging isang servant leader.

Kasabay nito, sinabi niya na ipinapanalangin niya na ipagpapatuloy ng susunod na liderato ang progreso lungsod.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpasalamat naman si Que sa lahat ng mga tumulong at sumuporta sa kanyang kandidatura.

Si Que ay anak ng namayapang si dating Mayor Delfin Ting.

Samantala, landslide naman ang panalo ni incumbent Vice Mayor Bienvenido De Guzman sa pagkabise alkalde na nakakuha ng 49, 025 votes kontra sa mahigit 22, 000 naman ang boto ni Atty. Alipio Pagulayan Jr.

Ang mga nanalo naman sa sangguniang panlungsod ay sina Mark Angelo Dayag (44, 429), Charo Soriano (40, 728), Ronaldo Ortiz (38, 984), Marj Martin(37, 119), Claire Callangan(35, 180), Gilbert Labang(33, 090), Jude Bayona(32, 103), Karina Gauani(27, 013), Arnel Arugay(26, 358), Arnel Arugay(26,358), Grace Arago( 25,896), Tirso Mangada (25,230), Danny Baccay(24,764), at Wino Abraham(24,742).