Ipapatupad na simula bukas (March 22) ang muling paggamit ng “Covid Shield Control Pass” para sa mga residente ng Tuguegarao City dahil sa pagtaas ng kaso ng tinatamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Mayor Jefferson Soriano na muling naatasan ang mga Barangay officials sa pamamahagi ng control pass sa mga residenteng kinakailangang lumabas para mamili ng kanilang kailangan.

Subalit nilinaw ng alkalde na may limitasyon sa oras ng pagkuha at pagbalik nito sa barangay upang malimitahan ang dami ng tao sa labas.

Para naman sa mga hindi residente ngunit nagtratrabaho sa Tuguegarao City, maging ang mga nagtratrabaho sa gobyerno kabilang na ang mga nasa academe at mga frontliners, kailangan lamang ipakita sa checkpoint ang kanilang company ID o certificate of employment sa pagpasok sa lungsod.

Papayagan namang pumasok ang mga residente mula sa ibang mga bayan na may mahalagang lakad sa lungsod basta’t makapagpakita ng anumang valid Identification (ID) card na magpapatunay na residente ito ng ibang bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon sinabi ni Mayor Jeff na nasa 40% ang positivity rate sa lungsod kung saan mahigit 90 ang nakatakdang I-swab, bukas.

Tinig ni Mayor Jefferson Soriano

Samantala, sisimulan din bukas ang 30% workforce sa Pamahalaang Panlungsod habang sinisiguro na patuloy ang serbisyo ng mga frontline services.