TUGUEGARAO CITY-Muling isasailalim sa 14 days Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lungsod ng Tuguegarao dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng local transmission ng covid-19 sa lungsod.
Ayon kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, agad inaprubahan ng Regional Inter Agency Task Force ang kanilang rekomendasyon na isailalim sa MECQ ang lungsod mula sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Mgsisimula ang MECQ sa Oktubre a-tres (3)hanggang ika-16 ngayong taon.
Kaugnay nito muling ipagbabawal ang public transport, liquor ban at ipatutpad ang curfew hour mula alas nuebe ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw.
Ipagbabawal din ang dine-in sa lahat ng mga restaurant kung saan tanging delivery at take out lamang ang papayagan.
Sa ngayon, nasa 78 ang active cases ng covid-19 mula sa 19 na Barangay na apektado ng virus sa lungsod kung saan karamihan sa mga ito ay local transmission.