TUGUEGARAO CITY INFORMATION OFFICE

Personal na tinanggap ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano ang isang bagong Patient Transportation Vechicle o ambulansya na ipinagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PSCO.

Inabot kay Soriano ang symbolic key sa isinagawang turn over ceremony sa PCSO Satelite Office sa San Marcelino, Manila.

Kaugnay nito, labis ang pasasalamat ni Soriano sa PCSO na malaking tulong sa panahon ng emergency para sa TuguegaraoeƱos.

Nagkakahalaga naman ng humigit-kumulang P1 milyon ang isang ambulance na mayroon nang medical equipment.