

TUGUEGARAO CITY- Nasa alert level 3 ang lungsod ng Tuguegarao dahil sa pagtaas ng kaso ng covid-19 batay sa datos na naitala ng Department of Health sa nakalipas na dalawang linggo.
Sinabi ni Dr. Nica Taloma ng DOH Region 2, batay sa 2 week growth rate, nakapagtala ang Tuguegarao ng 30 na active cases kumpara sa mas mababang bilang sa nakalipas na mga linngo.
Bukod dito, sinabi ni Taloma na ang average daily attack rate o ADAR sa lungsod ay tumaas din sa 1.25 percent o nasa moderate risk classication.
Gayonman, ipinaliwanag ni Taloma na sa pangkabuuan sa lalawigan ng Cagayan ay nananatili ito sa low risk classification habang ang iba pang probinsiya sa rehion ay nasa minimal risk classification.
Idinagdag pa ni Taloma na nasa low risk pa rin ang healthcare utilization rate sa ating rehion.










