Tuguegarao City- Planong ideklara ng Department of Agriculture Region 2 ang Tuguegarao City bilang African Swine Fever (ASF) Free.

Ito ay matapos ang 4 na buwan na walang naitatalang kaso ng naturang sakit ng babaoy sa lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Roberto Busania, Regional Technical Director for Operations and Extension ng DA Region 2, buwan pa ng Nobyembre ng huling makapagtala ng kaso ng ASF sa lungsod at hindi na ito nasundan pa hanggang sa kasalukuyan.

Aniya, inaasahan na ngayong darating na linggo ay mahihiling nila ang pagkakadeklara ng lungsod ng Tuguegarao bilang ASF Free.

Samantala, inihayag pa nito na 80% ang naging pagbaba ng kaso ng ASF sa buong rehiyon dahil sa maigting na monitoring sa mga inilalatag na checkpoints laban sa pagpasok ng mga undocumented pork products sa rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --

Mula sa 686 ASF cases sa rehiyon noong buwan ng Pebrero ay malaki ang naging pagbaba nito hanggang sa nagdaang buwan ng Marso kung saan ay nakapagtala lamang ng 122 ASF cases.

Ayon pa kay Busania ay 25 na mga munisipalidad ang tinamaan ng ASF sa rehiyon at ang 7 mula rito ay dito sa lalawigan ng Cagayan.

Muli namang tiniyak ng opisyal ang mahigpit na pagsasagawa ng monitoring sa mga inilatag na checkpoints upang tuluyang mawakasan ang banta ng ASF sa rehiyon.