Tuguegarao City- Kinumpirma ni Tuguegarao City Vice Mayor Bienvenido Guzman na siya ay nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa kanya, siya ngayon ay nakakaramdam ng sore throat at sinat na sintomas ng nasabing sakit.

Paliwanag nito, inakala niya na ito epekto lamang ng pagiging asthamatic dahil madalas niya itong maramdaman dahil sa pabagu-bagong panahon.

Bagamat maingat at sinusunod aniya nito ang mga minimum heath standards ay nabahala siya sa seguridad ng kanyang mga pamilya kaya’t agad na nagboluntaryong sumailalim sa swab test.

Batay sa lumabas na resulta nito kagabi, Marso 25 ay nagpositibo si Guzman sa COVID-19.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi nito na wala siyang ideya kung saan siya nahawaan ng virus dahil sa opisina, bahay at sa gym lang ang kanyang araw araw na pinupuntahan.

Gayonman, naniniwala siya na maaaring sa kabila ng pag-iingat nito ay marami siyang nakasalamuhang mga asymptomatic na nakahawa sa kanya.

Nakatakda naman siyang dalhin ngayong araw Marso 26 sa Peoples General Hospital upang sumailalim sa mandatory quarantine.

Nabatid pa mula sa bise alkalde na nakakaranas din ng ngayon ng lagnat ang kanyang asawa at dalawang anak na naka isolate na sa kanilang bahay.

Inihayag niya na ang mga nakasalamuhang pamilya at mga kamag anak ay sasailalim din aa swab test upang matiyak ang kaligtasan laban sa virus.