photo credit: Metro Tuguegarao Water District

TUGUEGARAO CITY- Umapela ang Metro Tuguegarao Water District sa mga consumers na magbayad ng kanilang water bill.

Sinabi ni Engr. Miller Tanguilan, general manger ng MTWD na nauunawaan nila ang sitwasyon ng ilang residente na hindi agad makabayad dulot ng covid-19 pandemic subalit ang pakiusap nila ay unti-untiin itong bayaran.

Ayon kay Tanguilan, ang water district ay dumedepende lang sa kanilang koleksion para sa kanilang operasyon at pagpapatupad ng mga programa at proyekto.

Sinabi ni Tanguilan na bumaba ang koleksion nila nitong nakalipas na taon na nagbunsod naman para isantabi muna ang ibang nakalinyang programa.

Tinig ni Engr. Miller Tanguilan

Samantala, nilinaw ni Tanguilan na last option lamang nila ang pagputol sa supply ng tubig sa isang residente na hindi pa nakakabayad ng kanilang water bill.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, maaari namang magtungo sa kanilang tanggapan ang mga hindi pa nakakabayad para sa isang promissory note na titiyak na sila ay magbabayad.

Kaugnay nito, sinabi niya na muling pag-uusapan ngayong buwan kung kailan ipapatupad ang “oplan putol”.

Ayon sa kanya, nitong buwan sana ng Enero ang nasabing hakbang subalit nakiusap ang LGU Tuguegarao, Piat at Solana na huwag muna itong gawin.