Huli ang isang tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis ng bayan ng Ballestero, Cagayan at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si alyas Rafy, 46-anyos, may asawa, mixer operator, at residente sa nasabing bayan.

Hinuli ang suspek matapos na bentahan ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na may laman na pinaghihinalaang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Isinagawa ang operasyon sa Barangay Zitanga.

Nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang buy-bust item, karagdagang dalawang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, P1,000 na ginamit sa operasyon, motorsiklo, at iba pang personal na gamit.

-- ADVERTISEMENT --

Dinala ang suspek at mga ebidensya sa Ballesteros Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Kasalukuyang inihahanda ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek sa pamamagitan ng inquest proceedings.