Huli ang isang binata sa drug buy-bust operation ng mga pulis ng Tuguegarao Component City Police Station sa Macapagal Avenue, Barangay Centro 11 kagabi.

Ang suspek ay isang 28-anyos, residente ng lungsod.

Hinuli ang suspek matapos na bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang operatiba na nagpanggap na bibili.

Nakuha pa sa kanyang pag-iingat ang isa pang sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang isasampang kaso laban sa suspek na paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- ADVERTISEMENT --