Hindi umano tinanggap ng mga pamilya ng 11 na namatay sa pagbangga ng bus sa Abulug, Cagayan ang tulong pinansiyal na ibinigay ng Florida bus.

Sinabi ni PMAJ Antonio Palattao, hepe ng PNP Abulug na pumunta ang kinatawan ng bus company sa mga pamilya para magbigay ng tulong subalit tinanggihan ito.

Kaugnay nito, sinabi ni Palattao na naka-hospital arrest ang driver ng bus na si Jay-jet Andrada ng La-lo, Cagayan matapos na magtamo ng injury sa nasabing insidente.

Sinabi ni Palattao na hihintayin na lamang nila ang desisyon ng pamilya ng mga biktima kung magsasampa sila ng kaso laban sa driver.

Matatandaan na sinalpok ng bus ang pick-up na sakay ang 14 katao kabilang ang driver na pawang mga residente ng bayan ng Allacapan.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Palattao na kabilang ang driver sa tatlo na nakaligtas na sakay ng pick-up na ginagamot ngayon sa isang ospital sa Abulug.