TUGUEGARAO CITY-Magbibigay ng tulong pinansyal ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD)-Abulug sa pamilya ni Judith Berbano, ang ginang na nagpalutang-lutang ng tatlong araw at dalawang gabi sa dagat bago narescue matapos tumaob ang kanilang bangka habang nangunguha ng kahoy sa Abulug, Cagayan .
Ayon kay Shalimar DE Leon, head ng MSWD-Abulug, P20,000 ang nakatakdang ibibigay na tulong para sa pamilya ni Berbano.
Bukod dito, nangako rin umano ang Department of Agriculture (DA) ng livelihood assistance para sa mag-asawa.
Aniya,susubukan ng kanilang hanay na kausapin ang DA para sabay nang ibibigay ang ayuda sa pamilya.
Samantala, isasailalim naman sa stress debriefing si Judith maging ang kanyang asawa na kasama nito nang tumaob ang kanilang bangka paglabas nito sa pagamutan.
Sa ngayon, nananatiling nagpapagamot si Judith dahil sa panghihina ng katawan ang nakakaranas ng ubo dahil narin sa matagal na pagkakababad sa tubig.