Tuguegarao City- Umabot sa 35 alagang baboy ang isinailalim sa culling operation sa Brgy. Agani, Alcala.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Tin Antonio, naglabas na siya ng executive order bilang bahagi ng preventive measures na ipatutupad upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa mga alagang baboy.

Kabilang dito ang pagbabawal sa pagpapapasok ng karne at mga pork products kasama na ang pagbabawal sa pagkatay ng baboy sa mga kabahayan.

Paliwanag ng alkalde papalitan ng LGU Alcala ang mga biik na napabilang sa mga napatay habang nakikipag-ugnayan din ang Municipal Agriculture Office sa DA para sa monetary compensation para sa mga inahing baboy.

Tiniyak naman ni Mayor Antonio na patuloy ang kanilang monitoring sa mga alagang baboy upang agad masuri ang mga ito sakaling makitaan ng Sintomas.

-- ADVERTISEMENT --