Tumitindi ang conflict sa pagitan ng Iran at Israel kasunod ng hindi inaasahan na pag-atake ng Israel kahapon ng umaga sa Iranian nuclear at military targets.
Sa magdamag at hanggang kaninang umaga ay maraming mga pagsabog sa Tehran at Tel Aviv.
Ayon sa mga awtoridad ng Israel, dalawa ang nasawi sa Isreal at marami ang nasugatan sa pag-atake ng Iran.
Sa report naman ng Iran, sinabi nito na nasa 78 ang naman ang namatay sa ginawang pag-atake ng Israel, kabilang ang senior military officials, at 320 ang nasugatan, karamihan ay mga sibilyan.
Nangako ang Iran na maghihiganti sila sa mga pag-atake ng Israel, habang iginiit ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na mas marami pa silang isasagawang strikes sa hangaring tuluyang wasakin ng nuclear program ng Iran.
Una rito, sinabi ng isang senior official ng Iran na pupuntiryahin nila ang regional bases ng anomang bansa na magtatanggol sa Israel.
Kaugnay nito, sinabi ng Israeli military na tinamaan nila ang dalawang Iranian air force bases, na ginagamit umano para sa missile at drone operations kahapon.
Ayon sa Israel Defense Forces (IDF), tinamaan nila ang Hamadan air base sa western Iran at winasak ang Tabriz air base, ang surface-to-surface missile launch site sa northwest ng Iran.
Idinagdag pa ng IDF na nawasak din sa mga pag-atake ang UAV at surface-to-surface missile launchers ng Iran.