
Nakapag-ambag ang travel and tourism ng US$1.8 billion sa ekonomiya ng bansa, ayon sa 2025 World Travel and Tourism Council (WTTC) Economic Impact Report (EIR).
Sinabi ng Department of Tourism (DOT) na ang nasabing report ay nagpapakita sa kahalagahan ng sektor sa paglago at economic resilience sa bansa.
Iprinisinta ng Asian Development Bank (ADB) sa isinagawang pulong kamakailan ng Southeast Asian Tourism ministers sa Cebu City.
Ayon sa ADB, nag-ambag ng 19.9 percent sa ekonomiya ng bansa ang turismo, na naglagay sa bansa na isa sa most tourism-significant economies sa Southeast Asia.
Nakasama din ang bansa sa top tourism job generators sa rehion, kung saan sinusuportahan ang nasa 11.2 million sa buong bansa at kumakatawan sa 23 percent ng kabuuang national employment.
Sa kanyang presentasyon, sinabi ni ADB Economist Sanchita Basu Das, patuloy ang mahalagang papel ng turismo sa paglago ng ekonomiya at hinikayat ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na tumutok sa pagpapataas revenue per arrival sa ilalim ng bago nitong action plan mula 2026 hanggang 2030.










